Friday, July 13, 2012

Mano Po


Tinulungan ko kagabi ang aking pamangkin na gumawa ng kanyang takdang aralin. Ito ang nagawa namin. 


Mando, Ang Batang Magalang

“Mano po, Inay,” kinuha ni Mando ang kamay ng kanyang ina at inilagay ito sa kanyang noo. Palagi ito ginagawa ni Mando tuwing dumating siya sa bahay mula sa paaralan. Kahit likas na mabait at magalang si Mando, natutunan niya ang “mano po” mula sa kanyang guro.

Si Mando ang panganay sa dalawang anak nila Mang Manolo at Aling Dolores. Nasa ikatlong baitang na sa elementarya si Mando. Isa sa mga natutunan niya sa paaralan ay ang paggalang sa mga magulang lalo na sa paggamit ng “mano po” at mula noon ay naging nakagawian na itong gawin ni Mando sa kanyang mga magulang at sa mga nakakatanda sa kanya.

Ang hindi alam ni Mando, nakikita ito ng kanyang bunsong kapatid na si Junior. Tinanong siya ng kanyang kapatid kung ano ang kahulugan ng “mano po” at bakit palagi niya itong ginagawa. Natutuwa si Mando dahil nagkaroon ng interes ang kapatid at tinuruan niya ito ng tamang aksyon. “Ito ang gawin mo, yumuko ka ng kunti tapos kunin mo sa iyong kanang kamay ang kanang kamay ni tatay o nanay at ilagay mo sa iyong noo,” paliwanag ni Mando sa kapatid. “Ganito ba kuya?” tanong ni Junior sabay yuko ng kunti, kinuha at inilagay ang kanyang kamay sa noo nito. “Wow, ang galling at nakuha mo agad,” tuwang-tuwa si Mando sa limang taong gulang na kapatid.

“Kuya, bakit ka nag-mano po?” tanong ni Junior. Hindi agad sinagot ni Mando ang kapatid, at tinanong niya ito, “Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit nagsisikap sina tatay at nanay sa pagsasaka?” “Para meron tayo makain, lalo na pambili ng isda.” sagot ng nakababatang kapatid. “Tama. Ano pa?” diin ng Mando. “Para meron tayo pambili ng damit.” “Ano pa?” “Para meron tayo pambili ng laruan?” Sa pagkakataon na ito, iniba ni Mando ang tanong sa kapatid, “Bakit gusto nina tatay at nanay na meron tayo makakain, damit, at laruan?” Natahimik si Junior at nag-isip. “Sabi ni nanay dahil mahal na mahal nila tayo,” sagot ni Junior. “Tama ka Jun, nagsisikap sina tatay at nanay dahil mahal na mahal nila tayo. Kaya ipakita din natin sa kanila na mahal natin sila sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawaing bahay, sa pagsisikap na mag-aral, sa pakikinig at pagtupad ng kanilang mga payo, at sa pamamagitan ng paggalang natin sa kanila, gaya ng mano po,” paliwanag ni Mando sa kapatid. “Tama ka, kuya. Simula mamayang gabi, sabay na tayo mag-mano po kina tatay at nanay,” wika ni Junior sa kapatid.

10 comments:

  1. Napakagandang kwentong pambata tungkol sa paggalang. Ugali pa rin ng aking anak na 24 anyos na at mga panangkin ang magmano sa mga nakatatanda.
    Pero ang hindi nagng maganda amin ay ang hindi nakaugaliang pagtawag ng ate, kuya. Lahat kaming magkakapatid ay nagtatawagan sa pangalan lamang. Sanhi ito ng pagiging bisi ng aking ina sa pagtitinda at ng aking ama na isang purong ntsik. Hndi ko problema iyan, dahil ako ang nakatatanda sa mga magkakapatid. Ngayong matatanda na kami ay pilit nilang itinutuwid sa pamamagitan ng pagtawag sa akin ng A-chi. Nahihiya raw sila kung may maririnig ng iba.

    Napakaganda rin ng guhit na larawan. Masining ang pagkakagawa.

    ReplyDelete
  2. He got 50/50.

    Hirap gumawa ng kwentong tagalog. Generic kasi ang title, ang instruction ay gumawa ng kwento na makakaaliw at may aral para sa mga kabataan.

    Hindi rin sanay mag-mano po ang pamangkin ko, pero ng dunating kanina mula sa school, nagmano po. Sana tuloy tuloy na. Maganda raw ang kwento sabi ng guro niya at pinagsabihan pa sila ng gawin din ang kaugalian na ito.

    Ganun din sa amin. Hindi kami sanay gumamit ng ate at kuya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Congrats to your pamangkin. Perfect. 50 out of 50 points. Talaga namang maganda ang kwento at masining ang guhit-larawan.

      Bakit di kayo nagtawagan ng kuya at ate?

      Delete
    2. Hindi rin nasanayan. Hehehe

      Tuwang tuwa nga pamangkin ko.

      Delete
    3. Masasanay rin panangkin mo at napakamatulungin mo namang Uncle!

      Delete
  3. Gusto ko lamang pong ipaalam na nagustuhan ko po ang kwentong ito na inyong nagawa. Maganda at malinaw ang pagkakassulat. Sadyang madaling maipaunawa at maipaalala hindi lamang sa mga batang makakapakinig o makakabasa kundi pati na rin sa mga mas nakakatanda pa. Ang pagmamano na kaakibat ng paggalang sa ating mga magulang at iba pang mga mas nakakatanda sa atin ay isa sa mga katangian ng mga Pilipino na nararapat lamang na mapanatili, maipasa at mapag-ingatan hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Nagpapasalamat po ako na natagpuan ko po ang kwento nyong ito. Nawa po aya makapagsulat pa kayo ng mas marami pang pambatang kwento patungkol sa pagkakakilalan sa sarili at sa bayan.

    ReplyDelete
  4. Gusto ko po sanang ipagpaalam na nais ko pong gamitin ang inyong akda sa isang modyul na aming isinusulat. Upang maging halimbawa ng pagpapakita ng paggalang sa ating mga nakatatanda at bilang isang tatak ng pagiging isang Filipino. Ang inyo rin pong pangalan ay aking ibibilang sa aming modyul. Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  5. Gusto ko po sanang ipagpaalam na nais ko pong gamitin ang inyong akda sa isang modyul na aming isinusulat. Upang maging halimbawa ng pagpapakita ng paggalang sa ating mga nakatatanda at bilang isang tatak ng pagiging isang Filipino. Ang inyo rin pong pangalan ay aking ibibilang sa aming modyul. Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  6. Magandang araw!

    Ako po si Persey Arboleda, awtor ng University Press of First Asia (UPFA), ang editorial arm ng Diwa Asia Publishing Group. Kasalukuyan po naming binubuo ang serye ng teksbuk para sa Grade School Filipino na ililimbag sa taong 2024.

    Kaugnay po nito, nais sana naming humingi ng permiso mula sa inyo para mailathala ito bilang isa sa mga babasahing panitikan para sa teksbuk ng Baitang 1.

    Mangyaring ipagbigay-alam po ninyo sa amin ang proseso hinggil sa aming rekwes. Ipagpapasalamat po namin nang malaki ang maagap at positibong tugon ninyo tungkol dito. Narito ang aking email: karosageronimo@gmail.com

    Maraming salamat po!

    ReplyDelete
  7. hello po pwede po ba itong ma gamit sa pag aaral po manghingi po sana ako ng pangalan sa nag published nito

    ReplyDelete