Speech
of
His Excellency
Benigno S. Aquino III
President of the
Philippines
During the 25th
Anniversary of the Philippine Daily Inquirer And Launching of the coffee table
book, “From Ninoy to Noynoy: 25 Years of The Philippine Daily Inquirer”
[December 1, 2010, Rizal Ballroom,
Makati Shangri-La]
Vice President Jejomar Binay; Ms.
Marixi Prieto, Chair of the Philippine Daily Inquirer; Ms. Sandy
Prieto-Romualdez, President; Ms. Letty Jimenez- Magsanoc,
Editor-in-Chief; former Chief Justice Artemio Panganiban; Excellencies of
the Diplomatic Corps; Mr. Manny Pangilinan; Mr. Ramon Ang; Mr. Andrew Tan; Don
Jaime Zobel de Ayala; Fernando; Mr. Tony Tan Caktiong; Mr. Lance
Gokongwei; Atty. Gozon; Tessie Sy and a lot of others that I didn’t see, I
apologize; honored guests; mga minamahal kong kababayan:
Magandang gabi po sa inyong lahat.
Isang karangalan po ang maging bahagi
sa silver anniversary ng Philippine Daily Inquirer (PDI). Maging hudyat sana
ang inyong ika-dalawampu’t limang taon, hindi lamang sa pagbuhos ng mas marami
pang biyaya at tagumpay para sa PDI, kundi maging ang patuloy ninyong
pagpapatibay sa patas at walang-kinikilingang pamamahayag.
Nagpapasalamat din po ako sa lahat ng
taong nasa likod ng inilulunsad nating coffee table book: “From Ninoy to Noynoy:
25 years of the Philippine Daily Inquirer.” Dahil sa napapanahong paglilimbag
ng librong ito, naniniwala ako sa kakayahan nitong ipamulat sa mga Pilipino,
lalo na sa mga kabataan—na sektor po namin ni Vice President—ang mga
pinagdaanan ng ating bayan sa nakalipas na dalawampu’t limang taon. Mula sa mga
orihinal na litrato noong martial law, hanggang sa mga matatapang na editoryal
na nagtulak sa People Power revolution, nanindigan kayo sa tapat na
pamamahayag. Mula sa mga balita sa nagbabantang pagputok ng Pinatubo, hanggang
sa mga artikulong bumabandila sa husay nila Manny Pacquiao at Efren
Peñaflorida, naihatid ninyo ang lahat ng ito nang buo sa publiko. Samakatuwid,
bawat pahina ng aklat na ito ay magsisilbing inspirasyon upang manatiling buhay
sa alaala natin ang mga madilim, gayundin ang mga maliwanag na bahagi ng ating
kasaysayan. Ang mga karanasan at aral nito ang magtutulak sa atin upang higit
pang bantayan at patuloy na ipaglaban ang tunay na demokrasya.
Kasama ko rin po ang sambayanang
Pilipino na sumasaludo sa tagapagtatag ng Philippine Daily Inquirer, si Ginang
Eugenia Duran Apostol. Sa halip na mamuhay nang tahimik at mapayapa at
komportable, mas pinili niyang labanan ang diktadurya. Kahit pa batid niyang
may kapahamakang nagbabanta, walang-alinlangan niyang inilunsad ang Philippine
Daily Inquirer. Di naglaon, ang munting bulong ng inyong “mosquito press” ay
lumakas at dumagundong sa bawat sulok ng bansa, upang malaman ng mga tao na may
mali sa gobyerno, at kailangan ang nagkakaisang pagkilos upang makamit ang
pagbabago. Masigasig ninyong sinundan ang kampanya ng aking ina noong siya ay
tumakbo sa pagka-pangulo noong 1986, ang pagbubuklod ng mga tao sa People Power
revolution, at ang tuluyang pagbagsak ng rehimeng Marcos.
Napakalaki ng utang na loob ng
sambayanan sa inyong walang-takot na pagbubunyag sa katotohanan. Dahil sa
inyong tulong, naibalik at naging buhay na buhay ang demokrasyang marapat
lamang na matamasa ng mga Pilipino.
Pagkalipas ng dalawampu’t limang taon,
hindi nawala ang dedikasyon ng PDI na manguna sa pagharap sa mga bago at
dumaraming hamon sa larangan ng pamamahayag. Iba na ang panlasa ng mga
mambabasa. Marami na tayong kababayan na naghahangad ng mas mabilis, mas
maikli, at mas siksik na paraan ng pagbabalita. Imbes na bumili ng diyaryo sa
kanto, marami na ang mas pinipiling makatanggap ng mga newsfeeds sa Internet.
At hindi nagpapahuli ang PDI dito. Anumang oras ay bukas ang Inquirer.net para
sa mga mahilig mag-Internet, at kung tipo pa rin ng iba ay ang makinig kesa
magbasa, andiyan naman ang Radyo Inquirer. Patunay lang po ito na lumipas man
ang maraming taon, isa lamang po ang hindi kailanman magbabago sa PDI: ang
pagiging tapat nito sa bansa at sa katotohanan.
Pero nakakabahala po, tila hindi
lubusang makamit ng mga Pilipino ang tunay na tagumpay. Matapos ang EDSA I,
hindi tumigil ang pagtatangka ng mga gahaman at mapang-abuso na ikulong muli sa
selda ng kurapsyon at katiwalian ang ipinaglalaban nating kalayaan. Patunay ang
nakalipas na mga taon na may mga opisyal sa pamahalaan na pilit ibinabalik ang
kadilimang dati nang naghari. Tulad noong martial law, naging laganap muli ang
panggigipit at pagpapakulong sa mga mamamahayag na ang tanging kasalanan lamang
ay ang paghahatid ng katotohanan sa kanilang mga kababayan. Ang masama, nang
hindi na po sila nakuntento sa pagpatay sa balita, nagsimulang makaranas ang
media ng kakaibang uri ng blackout: pinaslang na rin nila ang mismong
tagapaghatid ng balita.
Sino ba naman ang makalilimot sa
kasuklam-suklam na Maguindanao massacre? Nagimbal ang buong mundo sa
karumal-dumal na pagkitil sa buhay ng limampu’t walong katao, tatlumpu’t dalawa
dito ay miyembro ng media. Ipinamulat nito sa atin na hindi pa rin pala natin
lubusang nakakamit ang demokrasya; na hindi pa rin pala tuluyang malaya ang
media.
Responsibilidad nating ibalik ang
tiwala ng taumbayan sa gobyerno, kaya po tayo humihingi ng pang-unawa sa Korte
Suprema na payagan ang pagbo-broadcast ng paglilitis sa Maguindanao Massacre.
Ginagawa po natin ito, hindi para pangunahan sila. Simple lamang po ang hangad
natin: kung gusto natin ng pantay na karapatan, ilahad natin sa buong bayan na
wala tayong itinatago at ang tanging iiral sa kasong ito ay katarungan lamang.
Nagawa na po ito sa maraming paglilitis. Bakit naman hindi ito pwede ngayon,
hindi po ba?
Doble-kayod na din po ang Philippine
National Police sa paninigurong ligtas ang mga mamamahayag. May inilabas na po
silang Handbook on Personal Security Measures for Media Practitioners, at
pangungunahan din nila ang mga seminars para higit na maipaliwanag ang saklaw
ng kanilang programa na bantayan ang mga miyembro ng media. Naglabas na rin po
sila ng mga posters at reward money na nagkakahalaga ng hindi bababa sa 18.4
milyong piso upang matugis ang mga sangkot sa pagpaslang sa mga peryodista sa
bansa. Maliban sa pinag-aaralan naming pagtatatag ng isang Special Presidential
Team na tututok sa mabilis na pag-usad ng mga kaso kaugnay ng mga
extra-judicial killings, dinagdagan natin ang pondo ng witness protection
program sa 2011 budget. Nakasalalay ang tagumpay ng isang kaso sa kakayahan
nating pangalagaan ang mga saksi. Noong 2009, 25% lamang po ang conviction rate
na nakamit ng ating justice system. Subalit sa mga kaso kung saan may mga
saksing sumailalim sa witness protection program, 95% ang conviction rate. Kaya
naman po ang dating P84 million ay ginawa na nating P141 million upang mas
mapangalagaan natin ang mga nais humarap na maging saksi, at higit nating
mapatibay ang pagpataw ng katarungan sa lipunan. Hangarin natin na kung sino
mang may ginawang masama sa tao at lipunan ay makatatanggap ng kaukulang
parusa. Matapat natin itong isinusulong upang matiyak nating ligtas ang mga
mamamahayag at para magawa nila ang kanilang tungkulin na maghatid ng tunay,
responsable at walang-pinapanigang pagbabalita.
Malinaw ang ipinarating ng aking amang
si Ninoy tungkol sa halaga ng media sa isang malayang lipunan. Ayon po sa
kanya, “A free media is indispensable if a democracy is to function
efficiently, if it is to be real. The people, who are sovereign, must be
adequately informed all the time.”
There is no doubt that media plays an
active role in guarding our freedoms and making the powerful accountable. At a
time when our institutions were weak, the media put truth to power for the
well-being of our citizenry. But as much as we would like to believe otherwise,
the media does not operate in a vacuum. It is not immune from the pressures
heaped on any institution with power and influence. Journalists and media men
alike have been our guardians against corruption, but they must also be
vigilant in condemning those from their own ranks who try to exert a corrupt
influence on the government.
I am saying this not due to my personal
wishes, but because the media’s currency is credibility. It would be a
disservice to our journalists and broadcasters, and especially to our
countrymen, if it were to be terminally afflicted with the disease of
corruption and deceit. Every journalist must focus his or her efforts to ensure
that there is a trustworthy, transparent relationship between the government,
the media, and, most importantly, the Filipino people.
This is the only thing that freedom
asks of us: that we become responsible in exercising it and nurturing it. I
invite you to work with us. We need your help to encourage media to maintain
the highest level of professionalism, integrity, and truth-telling. Together,
it is vital for us to raise the level of public discourse so that important
issues are distinguished from vulgar personalities and trivial stories. For
some time now, the Inquirer has featured positive stories, particularly in its
Sunday Inquirer edition; but beyond the positive, there should also be thorough
reporting. A newspaper of record after all, has to feature the complete record.
Like many other media organizations,
the Inquirer has ignited its fair share of controversies. Like the crusading
papers before martial law, you have borne the brunt of official displeasure
because of your scoops and exposés. You have also marked the moments that have
transformed this nation.
With the rest of the nation, you
mourned the passing of my mother, but also made her frown several times in her
lifetime. Such is the cycle of life and the news.
You chronicled the clamor for me to
seek the presidency, yet after reading your paper, I sometimes feel that I’m
losing even more of my hair. But, and may I emphasize: that is how it should
be. You are not here to praise me. You are here to be fair to me, to the
Filipino people, and to be true to yourself and to your vocation.
And this is precisely the meaning of
democracy. This is the path the Filipino people have committed to, and we all
have a role to play in defending it.
Kapag lumipas na po ang anim na taon,
at natapos na ang aking termino, isa lang po ang magiging personal na sukatan
ko sa tagumpay ng aking administrayon. Kapag nakita ko pong ang pamahalaan, ang
media at ang pinagsisilbihan nilang taumbayan ay nagkakaisang binabantayan ang
demokrasya, patungo sa isang mas maunlad na bansa, pwede ko na po sigurong
ipagmalaki sa mga magulang ko na naging mabuting anak ako sa kanila. Nanilbihan
akong matapat, at higit sa lahat, naging mabuti akong Pilipino.
Muli, maraming salamat sa Philippine
Daily Inquirer sa inyong patuloy na pagiging ehemplo ng responsable at matapang
na pagbabalita. Maraming salamat lalo na sa inyong Lifestyle editors na hindi
makatiis na magreport sa lovelife ko: at least totoo at hindi eksaherado ang
inilalabas ninyo.
Maraming, maraming salamat po, at
mapayapang gabi po para sa ating lahat.
No comments:
Post a Comment